TENSION: Kung titignan nating mabuti ang buhay natin ngayon, kung atin itong susuriin. Ang dami pang kulang, Marami pa tayong gustong gawin, marami pa tayong gustong abutin at marami pa tayong gustong mangyari na kung saan dahil sa bagay na ito tayo’y nade-desperate dahil hindi natin alam kung papaano.
Kapag ikaw ay nade-desperate, anong gagawin mo?
Gusto kung tignan natin ang isang tao dito sa Biblia na sa kabila ng kanyang pagiging mayaman ay mayron paring kulang sa buhay niya. At makikita natin kung gaano siya ka desperate sa bagay na ito. At sa kanyang pagiging desperate ay tignan natin kung ano ang kanyang ginawa.
Ito yung kwento patungkol kay Jesus at Zaqueo…
Text: Lucas 19:1-10
V:1 Pumasok si Jesus sa Jerico, at naglakad sa kabayan
Alam natin si Jesus ay mayron siyang ministry on the road papuntang Jerusalem. Walang plano si Jesus upang siya’y manatili sa bayan ng Jerico, dahil Pagkatapos ng jerico ay susunod na ang Jerusalem na kung saan dito na yung final destination ng ating Panginoong Jesus.
V:2 Doo’y may isang mayamang puno ng mga publikano na nag ngangalang Zaqueo.

Sino ba si Zaqueo? Si Zaqueo ay chief of tax collector. At bilang chief of tax collector ay mayron pa syang mga hinahawakan na mga collectors upang maniningil ng buwis sa ibat ibat baryo sa Jerico. Si Zaqueo ay kilala ng mga tao at ang tingin sa kanya ng mga tao ay isang mandaraya, dahil kung maningil sya ng buwis ay sobra-sobra. At kapag ang mga tao ay may reklamo sa kanyang paniningil, ang mga sundalo ni King Herod ay babantaan ang mga taong ito kaya naman wala silang magawa kundi ang magbayad ng buwis na sobra. Dahil sa ganitong gawain, si Zaqueo ay nagging mayaman. (wealthy) Greek word is “plousios” pertaining to having an abundance of earthly possessions that exceeds normal experience.
Alam nyo ba na ang ibig sabihin pala ng pangalang Zaqueo ay clean (malinis) pure, (dalisay) o kayay righteous one, (tapat) Ang ibig sabihin ng pangalan nya ay taliwas lahat sa kanyang mga ginagawa.
Tinignan ko ang meaning ng pangalan ko na jonathan, ibig sabihin pala nito ay God’s gift o kaya’y God’s given. Kaya pala pastor ako ngayon.
Sa kabila ng kanyang pagiging mayaman, galit naman sa kanya ang mga tao. Nilalayuan sya ng mga tao. Ayaw sa kanya ng mga tao. Tingin nila sa kanya ay isang makasalanan. Alam ni Zaqueo ang bagay na ito, Kaya naman ng mabalitaan nya na naglalakad si Jesus sa kabayanan ay ….
V:3 At pinagsumikapan niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito. Ngunit siya’y napakapandak, at dahil sa dami ng tao hindi nya makita si Hesus.

Ang salitang pinagsumikapan sa English NIV po ay “wanted” at sa KJV naman ay “sought” na ang Greek word nito ay “Zeteo” meaning to devote serious effort to realize ones desire or objecvtive.
Alam ni Zaqueo kung sino ang mga tao na inaabot ni Jesus kaya ganun na lamang ang kanyang pagsusumikap upang ito’y makita. Alam nya na walang ibang makakaunawa sa kanya kundi si Jesus.
Sa panahon natin ngayon, madali bang makahanap ng tao na pwedeng makaunawa sayo? Ng tao na talagang makakaintindi sayo? Kahit alam mo ang taong ito ay may maitutulong sayo. Sa tingin mo naiintindihan ka ba nya talaga? nauunawaan ka ba nya talaga? Subukan mong sabihin ang problema mo saka kanya, at pansinin mo ang reaksiyon niya. Tatango-tango lang yan, at sasabihin niya sayo. “Ganun ba”
Ang hirap makahanap ng tao na talagang makakaunawa sayo at makakaintindi sayo.
Pero kung gusto mo talagang makahanap, Hanapin mo at lapitan mo yung tao na nakaranas at naggaling mismo sa pinagdadaanan mo.
V:4 Kayat patakbo syang nagpauna at umakyat sa isang puno ng ng sikomoro upang makita si Jesus na magdadaraan doon.

Dito sa verse 4 ay makikita natin kung gaano ka desperate itong si Zaqueo upang makita si Jesus, Dahil kaylangan pa nyang umakyat sa puno ng sikomoro. Ang puno ng sikomoro ay may tinik yan, pero binalewala yan ni zaqueo upang makita lamang si Jesus. Bakit? Dahil si Zaqueo ay naghahanap ng meaningful connection.

Dahil si Zaqueo ay nilalayuan ng mga tao, hindi sya naiintindihan ng mga tao, At ito na ang pagkakataon nya upang mahanap ito. Ang Makita si Jesus,
at ito ang isang bagay na nakakamangha, Alam ni Jesus kung nasaan si Zaqueo at kilala nya sa pangalan si Zaqueo.
V:5a pagdating ni Jesus sa dakong iyon, Siya’y tumingala at sinabi sa kanya, Zaqueo bumaba ka agad, wow…
If you really long to see Jesus
It you are ready to follow Jesus
Jesus will definitely notice you!
May part din sa buhay natin na tayoy desparate sa ibang bagay. At kung ikaw ay desparate sa bagay na yan, ano ang gagawin mo?
Dapat you should try to seek, mayron kang dapat gawin.
Kung ikaw ay mag-aaral, at desparate ka ba upang makatapos… mag-aral kang mabuti…
Desperate ka ba na makahanap ng trabaho… you should try to seek, dahil walang mangyayari kung wala kang gagawin.
Desperate ka ba upang mag grow bilang kristiyano? … read your Bible and pray everyday . baka hindi ka lang lalago kundi magrereproduce ka pa ng sarili mong church.
Desperate ka ba upang makapaglingkod… do the Pasa love, o kaya’y sama ka sa pasa love…
Desperate ka ba dahil may part pa sa family mo ang wala pa kay Kristo… bat di ka magshare sa kanila, hindi mo malalaman, hanggat hindi mo sinusubukan. Baka ikaw lang ang hinihintay nila upang gawin ito…
“Desperation plus action is equal to solution”.
Sa verse 5 parin, v5b, sabi ni Jesus, sapagkat kaylangan kung tumuloy ngayon sa bahay mo. Ito yung part na medyo nakakatawa, Jesus invite Himself for dinner, Inimbitahan mismo ni Jesus ang kanyang sarili upang tumuloy at kumain sa bahay ni Zaqueo. Baliktad ano, hindi ba dapat si Zaqueo ang mag-imbita kay Jesus. Pwede kaya to sa panahon natin ngayon, pagkatapos ng service na ito sabihin mo. Sis, tutuloy ako sa bahay mo ngayon at kakain ako… bro. maghanda ka ng kumot at unan dahil matutulog ako sa bahay niyo mamaya. Kahit kapatid mo yan siguro sa Panginoon masasapak ka nya ano…
Pag dating sa ating Panginoon, siya talaga ang nag-iimbita sa atin, ang dapat lang nating gawin ay tanggapin at sundin anumang bagay na gusto niyang ipagawa atin. Gaya ng ginawa ni Zaqueo… dahil kung hindi natin gagawin ang gustong ipagawa ni God sa atin… we fail.
Failure is unwillingness of doing what God want us to do”
V:6 Nagmamadali siyang bumaba, at tuwang –tuwang tinanggap si Jesus.

Sa nakita kung reaction ni Zaqueo ay naniniwala ako na hindi lang niya tinanggap si Jesus sa kanyang tahanan kundi maging sa kanyang puso.
V:7 Lahat ng nakakita nito ay nagbulong-bulungan. “Nakikituloy sya sa isang makasalanan,” wika nila.

Dito sa verse na ito ay makikita natin kung ano ang response ng mga tao,
silay nagbulung-bulungan -ito yung mga tao na tsismosot, tsismosa
nakikituloy sya sa isang makasalanan-ito naman ang mga tao na mapanghusga sa kanilang kapwa.
Dahil ang mga taong ito ay hindi talaga nila alam kung ano ang totoong nararamdaman ni Zaqueo, Hindi nila nakikita kung ano ang nakikita ni Jesus. At alam ni Jesus ang bagay na ito, alam ni Jesus na hindi lahat na gustong makakita sa kanya at makakilala sa kanya ay katulad ni Zaqueo .
Even sa umagang ito ay kilala nya ang bawat isa sa atin. Alam nya ang nasa puso at isipan natin. Wala tayong pwedeng itago sa ating Panginoong Jesus. Tayoy transparent sa kanyang harapan.
V:8 Tumayo si Zaqueo at sinabi, Panginoon, ibibigay kop o sa mga dukha ang kalahati ng aking ari-arian, at kung may nadaya akung may nadayang sinuman, apat na ibyao ang isasauli ko sa kanya.

Dito sa verse na ito ay inamin ni Zaqueo kung ano ang kanyang pagkakamali. Ito po yung tinatawag na Act Of Repentance. Pansinin po ninyo ang kanyang sinabi, at kung may nadaya akung sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.
Hindi sinabi ni Jesus ang bagay na ito kay Zaqueo na dapat niyang ibalik sa mga tao ang sobrang pera na kinuha nya sa kanila, kundi itoy kusang nanggaling kay Zaqueo. Dahil ito ang nilalaman ng kanyang puso. Nag karoon ng change of heart sa buhay ni Zaqueo. Change of heart reflects change of attitude and action.
V:9 At sinabi sa kanya ni Jesus, Ang kaligtasay dumating ngayon sa sambahayang ito. Lipi rin ni Abraham ang taong ito…
Si zaqueo ay naligtas dahil sa kanyang pananampalataya kay Jesus, at ito’y kanyang pinakita sa kanyang gawa. Faith without action is dead.
V:10 Sapagkat narito ang anak ng tao upang hanapin at iligtas ang naliligaw.
Dito sa verse 10 ay sinabi ni Jesus kung ano ang kanyang misyon. “ang hanapin at iligtas ang mga naliligaw” Ang mga tao na tinutukoy ni Jesus ay ang mga tao na katulad ni Zaqueo.
Mga taong messed up, (magugulo ang buhay) neglected, marginalized people, mga hurting, mga helpless, hopeless at mga tong may karamdaman.
Kung ito ang mga tao na inaabot ni Jesus ay ito rin ang mga tao na nais niyang abutin natin.
Application: kung ikaw ay desperate ngayon at ito ang dahilan kung bakit halos hindi ka makapaglingkod kay Jesus, bat di mo subukang lumapit kay Kanya. Walang ibang makakapagpuno sa buhay mo kundi Siya, walang ibang makapagbibigay ng tunay na kagalakan kundi Siya. Ikaw lang ang hinihintay niya para gawin ito. Hanggat sinasabi mo sa sarili mo na kaya ko ito, si God ay hindi makakakilos sa buhay mo. Dahil nakikita nya sayo na kayang kaya mo ito na kahit wala Siya. Pero sa oras na sasabihin mo sa kanya na Lord, hindi ko ito kaya na mag-isa. Kaylangan kita. Asahan mo na may gagawin si God sayo. May gagawin si God sa buhay mo Sa pagiging desperate natin ay walang ibang makakaintindi at makakaunawa sa atin ay kundi si God…
Main Point: “If you are desperate, seek God”