Every Tuesday akoy may pinupuntahang mga lugar dito sa Dagupan City. Ang mga lugar na ito ay ang barangay pantal, arellano, at lucao. Sa tuwing ako ay pumupunta sa mga lugar na ito upang ibahagi ang Salita ng Diyos ay nagdadala ako lagi ng pagkain para sa kanila. Minsan, pagkatapos kung magturo sa mga nanay kasama ang kanilang mga anak ay biglang lumapit sa akin ang isang bata at akoy kanyang niyakap ng mahigpit at kanyang sinabi… “THANK YOU” pastor. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ito. Dito ko nakita na sa murang edad nila ay nakikita nila at nauunawaan nila yung mga bagay na ginagawa mo para sa kanila. Naniniwala ako na darating ang araw, kung ano ang ginawa mo sa mga batang ito. Paglaki nila ay ganun din ang gagawin nila sa mga bata dahil sila mismo ay naranasan nila na minsan sa buhay nila ay may nagmahal at nagpahalaga sa kanila nung mga bata pa sila.
Minsan sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa Markos 10:14
Pahintulutan ninyong lumapit sa akin ang mga bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.
Kaya naman, napakaganda na habang mga bata pa sila ay nakakarinig na sila ng Salita ng Diyos upang sa ganun paglaki nila ay gagawa sila ng kabutihan sa kanilang kapwa.
