Just Like Me!
What caught my attention:
People are ready to believe in God and be part of His kingdom because they are sick, hurting, lacking confused and all messed up! Just like me…
Reflection:
Paano nila malalaman o makikilala si God kung wala tayong ginagawa para sa kanila. Ano pa ang hinihintay mo? Kung sinasabi mo na mahal mo si God. Ano ngayon ang ginagawa mo para abutin ang mga taong ito? Ang tunay na pagmamahal ay hindi maipapakita sa salita, kundi ang tunay na pagmamahal ay maipapakita sa mabuting gawa. Alam ko na walang ibang makakaunawa sa kanila kundi ikaw mismo na nanggaling sa kinalalagyan nila. Alam ko na mayron kang magagawa.
Hindi ka bulag upang hindi mo makita ang pangangailangan nila
Hindi ka bingi upang hindi mo marinig ang mga hinaing nila at higit sa lahat…
Hindi ka pilay upang hindi ka makapunta sa kinaroroonan nila
Ang bawat oras ay mahalaga. Hindi pa huli ang lahat para sayo. Walang ibang inaasahan ngayon ang Diyos sa buhay mo kundi ang abutin ang mga taong ito…

oo nga naman, pano nila makikilala si God kung wala kang ginagawa. tayo rin mismo makakaintindi sa kanila kasi galing rin tayo sa kung anong nararamdaman nila – broken, messed up… messed up in a sense na binobroke tayo ni God to get closer to Him. the more broken we are the more useful we are..