“Pasakalye” (Pasa Love sa kalye)

Pagkatapos ng aming Pasa Love sa region 1 hospital. Kina-umagahan, bandang hapon ay nagkaroon kami uli ng PASA LOVE (share God’s love) at ito’y aming ginawa sa aming church (Full Life Baptist Fellowship). Ang mga tao sa paligid namin ay aming inabutan ng mga pagkain (chicken arrozcaldo). Maging lahat ng mga tricycle driver, habang wala pa silang mga pasahero ay amin silang inimbitahan na pumasok sa loob ng church upang mayron silang masilungan at silay makakain ng mabuti. Ang mga pwesto sa harapan ng church ay amin din silang nilapitan at amin silang inabutan maging ang gasoline station ay aming pinuntahan at silay aming binigyan. Hindi na naming hihintayin kung kaylan lalapit ang mga taong ito sa amin, kung kaylan papasok ang mga tang ito sa church namin, kundi kami na ang gagawa ng hakbang upang kami ay makalapit sa kanila. At ito ang aming mga ginawa…

Dahil kung lalapit ka sa kanila na naipapakita mo ang iyong pagmamahal, darating ang araw na ang mga taong ito ay sila na mismo ang lalapit sayo dahil nakita nila ang kabutihang ginawa mo. Habang sumasapit na ang gabi ay  patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at itoy unti-unting lumalakas. Magkagayun man, tuloy parin kami sa amin pagbibigay, hindi hadlang ang ulan upang tumigil kami sa aming ginagawa.

Titigil lang kami kapag naubos na lahat ng arrozcaldo na niluto ni ate janna.

Mateo 5:16 “Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang Makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.”

Hindi magiging kumpleto ang pagiging kristiano namin kung hindi namin ito gagawin.

Ang PASA LOVE ay nagpapakita ng aming pagsunod sa Diyos. At ito ang aming paraan upang aming maipakita ang aming pag-ibig sa Kanya at ang aming Pag-ibig  aming kapwa…

Sa Diyos ang papuri!!!

Related Post:

LOVE STREET: When GO is outside the Church’s GATES & WALLS by psycheasy

DI NAKONTENTO…by nikka

This entry was posted in pasa love. Bookmark the permalink.

8 Responses to “Pasakalye” (Pasa Love sa kalye)

  1. nhix says:

    gusto ko yung title.. catchy siya..
    aside sa title gusto ko itong ginagawa natin..
    To God be the Glory..

  2. ligaya says:

    dis is really inspiring…..miss ko mga ganitong activities……

  3. Pingback: DI NAKONTENTO | nikkailumin

  4. orville says:

    This is something great. the brevity of life speaks that we should make our best shot everyday.. we should serve everyday, great of small, in any form, as long as it is pleasing to God and could contribute to the advancement of His Kingdom. Pasa Love is great.. and the people behind this are awesome.. hehe

  5. Pong says:

    saving the best for last…and more!
    Be blessed po!

  6. jonathan says:

    thank you pong… Sa september, may pasa love kami sa baguio… sana makasama ka… hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>