“Pasa Love” -ministry that counts-

Taong  2002-2004  nung unang  nagsimula ang  aking ministry sa mga bata sa Manaoag Bethel Baptist Church under  Ptr. Romeo  Ramos. Dito sa church na ito ako nag umpisa. Tatlong beses kaming nagtuturo sa mga bata sa loob ng isang linggo. At ito ang mga bayan na aming pinupuntahan.  Maliban sa bayan ng  Manaoag na may limang brgy. kaming pinagtuturuan ay pumupunta rin  kami sa bayan ng San Jacinto sa  brgy, lobong, casibong at angio. Sa bayan ng San  Fabian naman ay ito ang mga brgy. na aming pinupuntahan. Ang brgy.  sabangan at ang mabilao. Sa loob ng isang lingo ay umaabot ng mahigit isang daang bata ang aming natuturuan. Habang ginagawa ko ang bagay na ito nandun ang kagalakan dahil hanbang bata pa sila ay natuturuan na sila ng patungkol sa salita ng Diyos.

Pagkatapos ng dalawang taon na pagtuturo sa Manaoag Bethel Baptist Church. Taong 2004-2008.  Akoy napunta sa panibagong church sa  bayan ng Sta. Barbara. Sa Tuliao Grace Baptist church under  Ptr. Bern Quisedo. Sa taong ito, hindi na mga bata ang aking tinuturuan kundi mga kabataan. Mga kabataan na may mga kanya-kanyang problema na dinadala sa kanilang mga buhay. Tulad ng problema sa pamilya, problema sa barkada, problema sa pag-aaral. Habang nakikita ko ang mga kabataang ito ay nakikita ko ang aking sarili sa kanila dahil ang mga bagay na kanilang pinagdadaanan ay aking naranasan. Kaya naman wala akung ibang ginawa kundi ang unawain sila, intindihin sila hanggang sa akoy makapag-build ng relasyon  sa kanila. Dahil walang ibang makakaunuwa sa kanila kundi ang tao na nanggaling mismo sa pinagdadaanan nila. At dumating nga ang panahon na ang mga kabataang ito ay unti unting umatend ng church, hanggang dumating ang araw na ang iba sa kanila ay tumutugtog na sa church at ang iba sa kanila ay sumasama na sa pagbibisita. Halos apat na taon din na nakasama ang mga kabataang ito. Masaya ako pag nakakasama ko sila. Dahil kahit papano ay may nagbago sa kanila. Nung time na ako ay nagpaalam sa church na ito isang taon at anim na buwan na ang lumipas ay hindi ko na alam kung ano na ang nagyari sa kanila, kung ang mga kabataang ito ay nagpatuloy ba  sila o bumalik sila sa dati nilang mga gawa.

Pagkatapos ng apat na taon sa Tuliao Grace Baptist Church. Ako’y napunta sa Full Life Baptist Fellowship  under  Ptr. Israel  Tarlit  dito sa lungsod ng Dagupan.  Ang daming bagay na aking natutunan sa kanya.  Isang bagay na gustong-gusto ko sa kanya ay kaya ka niyang ipaglaban. Nandun yung pagmamalasakit nya sayo bilang kanyang  kasama. Sa aking pananatili sa church na ito (Full Life Baptist Fellowship) ng mahigit isang taon at anim na buwan ay naging malinaw sa akin ang lahat. Dito mas lalong lumawak ang aking kaalaman lalo na sa ministry. Bunga  na rin ito ng sipag ng aming pastor sa pagbabasa ng mga libro kaya naman pati kami ay natuto. Ang hirap palang  gawin ang isang bagay na hindi mo alam kung ano ang kahihinatnan nito o kung may patutunguhan ba ito o wala. Una sa tingin mo ay may nangyayari, pero  ang katutuhanan nito ay hindi mo talaga alam kung ano ba talaga ang layunin mo kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito. Hindi ko na pwedeng balikan kung ano ang aking nakaraan. Ang mahalaga ngayon ay ang hinaharap. Ngayon ay nalaman ko kung ano ang totoong  layunin ng buhay ko. Na iniligtas ako ng Diyos hindi para magligtas din ang iba. Ang kaligtasan ay hindi gawain ng tao kundi itoy gawain ng Diyos.  Ang dapat ko lang gawin ay ang sumunod sa pamamagitan ng aking paglilingkod sa aking kapwa. Dahil sa pamamagitan ng pagsunod, mayrong  maliligtas.

Sa taong  ito 2010 ay sobrang dami ng nangyari sa aming Iglesia, sa aming ministry. Kakaibang ministry na hindi katulad ng dati. Ministry na kung saan pwede naming maipakita ang aming tunay na pag-ibig sa Diyos at ang aming tunay na pag-ibig sa aming kapwa. Ministry na kung saan bilang church ay nagiging bahagi sa gawain ng community.  At ang pangalan ng aming ministry ay PASA LOVE. (Share God’s Love).  At dito nag umpisa ang lahat…

December  2009, ay lumabas kami at pumunta kami sa mga kalye at aming inabutan ng relief goods  ang mga taong ito.  Mga natutulog sa gilid ng daan,  magbabasura, magbabalot, security guard, prosti,  at iba pa.

February 2010, ay nagbigay kami ng mga regalo sa mga bata na nasa feeding program ng West Central  Elementary School.

February 2010, ay nagkaroon din kami ng P100 Kindness Project  na kung saan ang aming iglesia ay nagpamigay ng isang daang piso sa sinumang gustong tumulong sa kanyang kapwa.  Ito po ang aming ginawa…

March 2010, holy week,  kami ay nagpakape  ng libre sa harapan ng aming iglesia.

May 2010, Bangus Festival ay nag painum kami ng libre na palamig at malamig na tubig. At umabot ng 1,500 katao ang nakainun.

May 2010, After Election ay naglinis kami sa Dagupan City National High School . Katatapos lang din ito ng bangus festival…

June 2010 ang Project Pearls  na pinamumunuan  ni Mellisa Villa-Wilcox ay nagbigay ng school supplies sa mga under privileged children  dito sa lungsod Dagupan at itoy aming pinamigay sa pantal area sa mga bata na aming tinuturuan.  At ang iba naman ay aming pinamigay sa mga bata sa West Central Elementary School. Salamat Project Pearls para sa mga school supplies na naipamigay. Maraming salamat sayo ate Mellisa…

July 2010 ang Project Pearls na pinamumunuan  ni Mellisa Villa-Wilcox ay nagbigay ng suporta sa mga bata para sa feeding. Dalawang beses po naming itong gagawin sa loob ng isang buwan. Salamat Project Pearls para sa feeding sa mga bata.  Maraming salamat sayo ate Mellisa…

July 2010, Ang Pasa Love ay bumalik sa Region 1 Hospital upang magpakain sa lahat ng mga pasyente, mga watchers at  mga staff ng hospital . Maging ang mga tao sa labas ng hospital ay aming inabutan ng pagkain…

July 2010, Ang Pasa Love, pagkatapos ng pagpapakain sa hospital. Kinaumagahan ng hapon, kami ay nagbigay uli ng pagkain sa harapan ng aming iglesia at aming binigyan ng pagkain ang mga tao na nasa paligid namin. Amin ding inabutan ng pagkain ang mga tricycle drivers
at mga jeepney drivers.

Ito na po kami ngayon, at ito ang aming pinaniniwalaan.

Ang PASA LOVE ay nagpapakita ng aming pagsunod sa Diyos.

Kaya  namin  ito ginagawa dahil mahal namin ang Diyos,  Pangalawa,  mahal namin ang aming  kapwa.

Pasa Love Team

Sa Diyos ang papuri!!!

Related Post:

Encounter with the patients – Pasa love @ the Hospital 2 by nikka

MOSAIC: Stories From The PASA LOVE @ D Hospital 2 by psycheasy

Voices of Caring Hearts (Pasa Love at Region 1 Medical Center 2) by orville

This entry was posted in pasa love. Bookmark the permalink.

3 Responses to “Pasa Love” -ministry that counts-

  1. Pingback: Encounter with the patients – Pasa love @ the Hospital 2 | nikkailumin

  2. Pingback: MOSAIC: Stories From The PASA LOVE @ D Hospital 2 | serv Easy

  3. I’ve always wanted to be in ministry with you. Coming together in all the ministry that we have is truly amazing. It’s an honor to serve God in the ministry. Love you guys!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>