The Return Of The Team (Pasa Love-Region 1 Hospital)

Nakaraang february 2010 ay nagkaroon kami ng Pasa Love. Ang Pasa Love ay isang gawain ng aming iglesya (Full Life Baptist Fellowship ) na kung saan kami ay lumalabas sa aming community upang tumulong sa aming kapwa lalo nat’ higit sa mga nangangailangan. Last february ang church ay nagpamigay ng P100.00  para sa sinumang gustong tumulong sa kanyang kapwa. Sa video na ito ay makikita ninyo kung ano ang aming ginawa sa P100.00 kindness project at mas maiintindihan  ninyo kung ano ang ibig sabihin ng Pasa Love.

Ang ginawa ng mga nanay ng aming church ay nagrepack sila ng pagkain para sa mga bata upang may pandagdag baon sila sa kanilang eskwela. Samantalang ang mga youth naman ay sa Region 1 Medical Center namin ginawa ang aming Pasa Love na kung saan kami ay nagpakain ng libreng arozcaldo at nagpa-inum kami ng brewed coffee sa mga tao na nasa labas ng hospital. Ang mga taong nakita ninyo sa video ay sila yung mga tao na naghihintay ng kanilang mga kamag-anak o kaya’y mga mahal sa buhay.Sila yung mga tao na hindi na nakakapasok sa loob ng hospital tuwing gabi dahil sa limitado na lamang ang pwedeng pumasok. Kaya ang gagawing na lamang nila ay ang maghintay kinaumagahan upang makapasok muli sa loob at ng makita muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa tuwing ako ay napapadaan dito. Nakikita ko ang kanilang kalagayan lalo na pag sumapit ang gabi. Nahihiga na lamang sila kung saan-saan na hindi mo alam kung ang ilang ba sa kanila ay nakakain na o kaya’y hindi pa. Kaya naman itong July 23, 2010 sa ganap na oras ng 3 pm kami ay babalik muli Region 1 Medical Center upang magpakain ng libre. At sa araw na ito. Hindi lamang sa labas kundi pati sa loob mismo ng hospital ay magpapakain kami.

Kaya naman sa mga gustong tumulong sa gawaing ito, kami po’y nalulugod na kayo’y aming makasama sa araw na ito

Para po sa mga karagdagan impormasyon:
Kami po’y matatagpuan sa harapan ng Lyceum Northwestern o kaya’y pagkatapos po ng Astrodome. Maaari rin po ninyo akong kontakin sa number na ito 09336723686 (sun) 09273995580 (globe).

Related Post:

PASA LOVE AT THE HOSPITAL 2 by psycheasy

PASA LOVE – BACK TO HOSPITAL by nikka

PASALOVE AT HOSPITAL – Episode II by G1mp3r

This entry was posted in coming events. Bookmark the permalink.

8 Responses to The Return Of The Team (Pasa Love-Region 1 Hospital)

  1. ysae says:

    Bro, nagulat ako ah! THE RETURN OF THE TEAM. Kung sa tagalog: ANG PAGBABALIK, mas lalong nakakawindang. This is great bro! Now let see God open doors for us.

  2. jonathan says:

    Oo nga po kuya, talagang darating ang araw ay maraming mawiwindang dahil sa ating ministry. Itoy panibagong eye opener para sa lahat… Excited muli ako sa Pasa Love na ito.

  3. Pong says:

    I’ll be with you in Spirit po.
    be blessed always!

  4. jonathan says:

    Salamat pong ng marami… kahit malayo ka alam namin na part ka ng gawaing ito dahil sayong panalangin para sa amin.
    ingat ka lagi…

  5. nhix says:

    3pm hanggang gabi.. kung iisipin pa lang nakakapagod na.. pero i know pag tapak natin dun sa Hospital, super galak ang mararamdaman natin dahil makikita natin ang mga ngiti sa kanilang mga mukha..

  6. jonathan says:

    Hindi ba ngiti sa kanilang mga labi… hehehe. naniniwala ako dyan nhix na kagalakan ang mararamdaman natin hindi yung kapaguran. Naranasan na natin ito at napatunayan na rin natin ang bagay na ito.

  7. nhix says:

    may explanation ako diyan pas.. ngiti sa kanilang mukha.. kasi pag ngumingiti tayo di ba sumasama rin ang pisngi.. at makikita mo ang ngiti sa pamamagitan rin ng mata? pwede ring sabihing yung ngiti nila abot tenga? eh di all in one na.. ngiti sa mukha.. tama? hehehe

  8. jonathan says:

    yun pala yun…. hehehehe… gusto ko na makita ang mga ngiti na yan. Ang galing talaga ni Lord. Go Pasa Love.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>